Consumer Education and Advocacy Program ng DTI, malaking tulong sa CamSur

Consumer Education and Advocacy Program ng DTI, malaking tulong sa CamSur

NAGSAGAWA ng programa ang Department of Trade and Industry (DTI) Camarines Sur na tinawag na Consumer Education and Advocacy para sa tamang impormasyon at karapatan ng mga consumers partikular na ang mga senior citizens at persons with disabilities ng Camarines Sur (CamSur).

Malaking tulong para sa mga senior citizens at mga persons with disabilities (PWD’s) sa Camarines Sur ang isinagawang Consumer Education and Advocacy Program ng DTI para sa kanilang karapatan bilang mga consumers.

Nagsagawa ang Department of Trade and Industry Camarines Sur ng programang Consumer Education and Advocacy para sa mga persons with disabilities ng Lagonoy CamSur na ginanap sa Lagonoy Session Hall, kahapon, Hulyo 27, 2021.

Para naman sa mga senior citizens ng San Jose, Camarines Sur isinagawa ang programa sa Sabang Elementary School sa pangunguna ng DTI Region V Bicol kasama ang mga tauhan ng ahensya na sina Edna Tejada, Byl B. Fuentebella at Junie Mora.

Sa pamamagitan ng programang ito ang lahat ng mga karapatan ng isang consumer ay matututunan katulad na lamang ng right to basic needs, right for safety, right for information, right to choose, right to redress at karapatang magkaroon ng healthy environment.

Maging ang consumers responsibilities ay itinuro rin katulad na lamang ng pagkakaroon ng critical awareness, actions, social concern, environmental awareness at ang tinatawag na solidarity.

Sa panahon ngayon ng pandemya, mahalagang may kaalaman ang publiko sa mga karapatan ng isang consumer at kung papaanong maging mahusay sa paggamit ng mga produktong kapaki-pakinabang hindi lamang sa sarili kundi maging sa buong komunidad at sa ating kalikasan.

(BASAHIN: Libreng training at allowance sa Camarines Sur, ipinamahagi)

SMNI NEWS