Contact tracing ID service para sa mga residente ng Kidapawan City, binuksan na

BINUKSAN ng Kidapawan City local government unit (LGU) ang libreng processing service para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) Contact Tracing System (CCTS) identification cards sa mga  residente ng lugar.

Ayon kay Atty. Paolo Evangelista, city information officer, balak ng nasabing  programa na matulungan ang mga mahihirap na residente na makapag-fill up ng CCTS application online.

Halos 1,000 na mga residente ang nakinabang sa libreng CCTS service simula noong Martes na sa huling census ayon kay Evangelista ay mayroong mahigit 45,000 residente ang nasabing lungsod.

Bukod sa processing at encoding, libre rin ang printing at lamination ng contact tracing cards.

Sa ilalim ng mandato ng PIATF, kinakailangan ng lahat ng establisimyento na may CCTS scanners sa pagtanggap ng mga kliyente nito.

Ang CCTS ay isang digitalized system of information na kinakailangan upang matunton ang sinumang tao na may ugnayan sa COVID-19  patient upang mapigilan ang paglaganap pa ng sakit.

SMNI NEWS