INALIS na ng House Quadcomm ang ipinataw nilang contempt orders laban kina Alice Guo, Cassandra Ong, at Tony Yang.
Ito’y dahil nakakulong na sa Pasig City Jail si Guo at nahaharap sa kasong qualified human trafficking kaugnay sa pagkakasangkot nito sa isang POGO hub sa Bamban, Tarlac.
Si Ong ay nasa Correctional Institute for Women (CIW) at kasalukuyang may medical condition.
Ang negosyanteng si Yang ay nasa kustodiya na rin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at may kinakaharap nang kaso.
Samantala, isang contempt order naman ang ipinataw ng Quadcomm kay dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director General Wilkins Villanueva dahil sa anila’y pagsisinungaling nito.
Kasunod ito sa pagtanggi ni Villanueva sa isyu ng umano’y warrantless arrest at pagsagawa ng interogasyon kay Jed Pilapil, asawa ng isang drug suspect na si Allan Sy.
Magsisimula ang detention ni Villanueva kaugnay sa contempt order sa pag-resume ng Quadcomm hearing sa Enero 2025.
Maliban kay Villanueva ay may contempt order din si Dating Mandaluyong City Police Chief Hector Grijaldo dahil apat na beses na itong hindi humarap sa Quadcomm hearings kahit imbitado ito.