Control ng mga Pinoy na shareholder sa NGCP, kinuwestiyon sa Senado

Control ng mga Pinoy na shareholder sa NGCP, kinuwestiyon sa Senado

KINUWESTIYON sa pagdinig ng Senado kung ano ang kontrol ng mga Pilipinong shareholder sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ang NGCP ay pinangangasiwaan ng isang pribadong kompanya na ang ownership ay binubuo ng 60 porsiyentong Pilipinong negosyante at 40 porsiyento ng State Grid Corporation of China (SGCC).

Sa isinagawang Senate inquiry nitong Miyerkules, Hulyo 12, nagpahayag ng pagdududa ang Senate Committee on Energy na binibigyan ng special consideration ng NGCP ang mga kinatawan ng SGCC.

Partikular na ipinunto ni Senator Raffy Tulfo ang mga isinagawang pagpupulong ng NGCP Board kung nakapagde-decide pa rin ba ang mga Pinoy kahit na walang kinatawan ang mga Chinese stakeholder o kung nire-require ba ang presensiya ng mga ito sa mga board meeting.

Itinanggi naman ni NGCP Corporate Secretary Ronald Dylan Conception ang naturang akusasyon at iginiit na sa ilalim ng by-laws ng kompanya ang quorum ay 51 porsiyento at lahat ng Board Members ay kailangang present sa lahat ng mga board meeting.

Napag-alaman na apat mula sa sampung Board of Directors ng NGCP ay mga Chinese national na kumakatawan sa SGCC.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter