PANALO ang Converge FiberXers kontra Magnolia Chicken Timplados Hotshots sa iskor na 93-91 sa kanilang naging laban nitong Linggo, Disyembre 1, 2024.
Best player para sa FiberXers si Alec Stockton matapos nag-ambag ng 18 points, 7 rebounds at 10 assists.
Sa sumunod na game ng 2024 PBA Commissioner’s Cup, panalo ang Meralco Bolts kontra Rain or Shine Elasto Painters sa iskor na 121-111.
Si Bong Quinto ng Bolts ang best player matapos nag-ambag ng 20 points, at 4 rebounds.
Samantala, sa Nobyembre 30 game ng nagpapatuloy na 2024-2025 PVL All-Filipino Conference, panalo ang Capital1 Solar Spikers kontra Nxled Chameleons sa iskor na 21-25, 25-21, 25-15, 25-18.
Panalo rin ang Farm Fresh Foxies kontra Akari Chargers sa iskor na 25-23, 25-21, 25-14.