Convict na Ferdinand Guerrero sa Vhong Navarro case, sumuko na rin sa NBI

Convict na Ferdinand Guerrero sa Vhong Navarro case, sumuko na rin sa NBI

SUMUKO na rin sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa pang convicted sa Vhong Navarro case na si Ferdinand Guerrero.

Isa si Guerrero sa nambugbog sa aktor na si Vhong Navarro noong 2014.

Ayon sa report, sinamahan si Guerrero ng kaniyang abogado at agad naman binasahan ng miranda rights bago ito arestuhin.

Pare-parehong guilty sa kasong illegal detention sina Guerrero, Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Simeon Raz batay sa desisyon ng Taguig Regional Trial Court Branch 153 na may hatol na 40 taong pagkakabilanggo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter