Convicted drug mule na si Mary Jane Veloso, nakauwi na sa Pilipinas

Convicted drug mule na si Mary Jane Veloso, nakauwi na sa Pilipinas

NAKAUWI na sa Pilipinas mula Indonesia ngayong araw, Disyembre 18, 2024 si Mary Jane Veloso, ang Overseas Filipino Worker (OFW) na convicted sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

5:50 ng umaga ng dumating ito sa NAIA Terminal 3 sakay sa Cebu Pacific Flight 5J 760.

Sinalubong naman ng kaniyang pamilya ang convicted drug mule sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), ipagpapatuloy pa rin ni Veloso dito sa bansa ang kaniyang sentensiya na life imprisonment.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter