Convoy diumano ni PNP Chief Marbil, dumaan sa EDSA Busway nang walang paalam

Convoy diumano ni PNP Chief Marbil, dumaan sa EDSA Busway nang walang paalam

HINARANG ang sinasabing convoy ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil nang wala itong paalam at koordinasyon para dumaan sa Edsa Busway sa bahagi ng Ortigas Station, Northbound Carousel kaninang alas sais ng gabi, Feb 25, 2025.

Sa kuhang video ng Team GOLF SAICT, makikita rito ang motorsiklo ng HPG, at dalawang SUV na may plate number na SAB 5964 white toyota innova at white fortuner na may plate no. NIE 9582.

Sa nasabing video, maririnig rin ang pakikipagtalo ng isa sa mga convoy at miyembro ng Highway Patrol Group sa isang tauhan ng SAICT habang nagpapaliwanag ito sa paglabag.

Bigong natiketan ang SUVs dahil bigla itong humarurot paalis dahil may emergency umano sa Kampo Krame.

Ilang minuto pa, bumalik ang isang fortuner at tiniketan ito pero napag alaman na ibang sasakyan ito mula sa hinarang na convoy.

Wala pang paliwanag ang PNP ukol sa isyu.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter