Cordillera Region, makatatanggap ng funding mula sa OPAPRU

Cordillera Region, makatatanggap ng funding mula sa OPAPRU

NAKATAKDANG tumanggap ang Mountain Province ng P105-M na funding mula sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU).

Ang pondo ay para sa mga proyektong may kaugnayan sa pagpapalawak ng kapayapaan at pag-unlad sa probinsiya.

Ayon kay OPAPRU Sec. Carlito Galvez, ang pondo ay pagpapakita ng kanilang suporta sa buong Cordillera lalo na’t itinuturing ang buong rehiyon bilang epicenter ng peace at development dahil malakas doon noong 1980s ang mga komunistang teroristang grupo.

Maliban sa Mountain Province, mabibigyan din ng pondo ang Kalinga, Apayao at Ifugao para sa peace at development projects.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble