MARIING iginiit ni Senator Panfilo Lacson na hangga’t walang nasasampolan sa mga opisyales ng PhilHealth ay hindi matitigil ang korupsyon sa loob ng ahensiya.
“Well, talagang dapat may na drastic na remedial measures. Bukod sa structural, kasi systemic yung hinaharap na korupsyon dito. Pero hangga’t walang nakikita yung nasa loob na nakukulong, talagang hindi madadala. Kasi kayang malusutan.” Sen. Panfilo Lacson
Punto pa ng senador sa naging panayam ng SMNI News, aniya dapat buwagin ang core group sa loob ng PhilHealth na ugat na ng katiwalian sa mga nagdaang panahon.
“Isa lang ang pwedeng logical conclusion kapag ganoon, systemic at saka may core group na maski magpalit ng liderato, andiyan yung core group na nangangasiwa at alam yung corruption. Ang masama na kapag yung papasok na president/CEO at yung bagong appoint na board members, kung ma-coop naman sila nung mga sindikato sa loob, walang mababago.” Sen. Panfilo Lacson
Pero buti naman aniya at naglulutangan na ang ilang opisyales sa PhilHealth at sinambulat na ang kanilang nalalamang mga anomalya sa ahensiya.
Mga itinatalaga sa PhilHealth, kinakain ng sistema
Samantala para naman sa isang abogado, kakainin ng sistema ang kahit sinumang italaga sa PhilHealth.
Sa panayam ng SMNI News, ito ang naging pananaw ni Atty. Rolex Suplico kaugnay sa anomalyang kinasasangkutan ng ahensya.
Ang nakikitang solusyon ni Atty. Suplico ay buwagin nalang ang PhilHealth.
Umaasa naman ang abugado na masosolusyonan din ang suliraning ito.
Mula naman isa pang abogado, kailangan tanggalin ang lahat na nasa middle management.
Ito ang naging suhestiyon ni Atty. Larry Gadon sa panayam ng SMNI News para masolusyonan ang problema ng PhilHealth.
Naikwento pa ni Gadon ang nangyari sa kanyang kaibigang doktor na umano’y pinagkaisahan ng mga sindikato sa PhilHealth at sinibak sa loob ng limang buwan.
Samantala, kahapon nang nagbitiw na rin sa pwesto si PhilHealth Senior Vice President for Operations at Retired General/Dr. Augustus de Villa.
Bitay dapat sa corrupt official ng Philhealth
Corrupt official in Philhealth should face deafh penalty