CoronaVac Jab, hindi gaanong epektibo laban sa Gamma variant base sa pag-aaral

CoronaVac Jab, hindi gaanong epektibo laban sa Gamma variant base sa pag-aaral

ANG Coronovac vaccine ng China ang isa sa ginagamit ngayon ng Brazil para panglaban sa COVID-19 ngunit ito ay less effective laban sa Gamma variant na unang natukoy sa naturang bansa.

Ayon sa mga mananaliksik, ang antibodies na nalilikha ng bakunang CoronaVac ay hindi ganoon kaepektibo laban sa variant kaysa previous COVID-19 strain, habang ang Gamma variant naman ay maaaring kumapit pa rin sa mga nagpositibo na noon sa COVID-19.

Bukod pa rito, maaari pa rin itong mag-circulate kahit sa mga taong nabakunahan na.

Sa isang pag-aaral sa University of Campinas sa Brazil, ipinakita nila na ang Gamma at ang nakaraang strain ng virus ay nasa blood plasma ng 53 vaccinated people at 21 people na nagpositibo na noon sa COVID-19.

Labing walo sa mga ito ang naturukan na ng unang dose ng CoronaVac , habang dalawampu  ang nakakuha na ng second dose, labing lima ang nabakunahan naman, bilang bahagi ng Sinovac clinical trial noong Agosto 2020.

 

SMNI NEWS