NAGKAISA ang cosmetics company na L’oreal at ang health care company na Watsons para gumawa ng mga programa na tutugon sa isyung pangkalikasan sa Pilipinas.
Halimbawa na rito ang solusyong gagawin laban sa plastic waste, awareness tungo sa sustainability at livelihood opportunities para sa vulnerable population ng bansa.
Mapapansing advantage ito dahil isa sa pangunahing hamon ng Pilipinas ang plastic pollution.
Sa inisyal na inilahad, ninanais ng L’oreal na magkakaroon sila ng 100 percent transition mula sa plastic sa kanilang packaging hanggang 2030.