Counseling program sa mga pulis, paiigtingin—PNP Chief

Counseling program sa mga pulis, paiigtingin—PNP Chief

PAIIGTINGIN ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang counseling program para sa mga pulis.

Ito ay kasunod ng pag-aamok ng isang pulis sa loob ng Taguig City Police Station na ikinasawi ng isa niyang kasamahan.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. na may mga pulis na dumaranas ng depresyon, batay sa PNP Health Service.

Ayon kay Acorda, iparerepaso niya ang neuro-psychiatric test ng mga pulis.

Sa ngayon, sinisilip na ng PNP ang ugat ng insidente gayundin kung may ibang dahilan kaya nag-amok ang pulis.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble