Counter-Terrorism Units, gagamitin vs grupo ni Cong. Arnie Teves—Militar

Counter-Terrorism Units, gagamitin vs grupo ni Cong. Arnie Teves—Militar

GAGAMITIN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang Counter-Terrorism Units laban sa armadong grupo ni suspended Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves, Jr.

Ito ang inihayag ni AFP Visayas Command (VisCom) Commander LtGen. Benedict Arevalo matapos ideklara ng Anti-Terrorism Council (ATC) si Teves at ilan pang personalidad bilang terorista dahil sa karahasan sa Negros Oriental.

Ayon kay Arevalo, nakahandang sumuporta ang militar sa Philippine National Police (PNP) sa kampanya laban sa Private Armed Groups (PAGs) at loose firearms.

Partikular aniyang gagamitin ng militar ang kanilang “counter-terrorism model” para malabanan ang grupo ng mambabatas.

Nauna nang iginiit ni PNP PIO chief PBGen. Redrico Maranan na ipatutupad nila ang agresibo at tapat na law enforcement operations laban sa private armed groups (PAGs).

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble