PINAHINTULUTAN na ng Court of Tax Appeals (CTA) ang pagbiyahe ni Rappler Ceo Maria Ressa patungong Oslo, Norway ngayong Disyembre.
Ito ay para personal na tanggapin ang kanyang 2021 Nobel peace prize.
Batay sa desisyon ng first division ng korte, maaring lumabas ng bansa si Ressa mula Disyembre 8 hanggang 13.
Nakasaad din sa desisyon na kailangan ipaalam ito ni Ressa sa korte at magbigay ng katibayan ng kanyang pagdating sa bansa sa loob ng tatlong araw ng kanyang pagbabalik.