Courtesy visit ni Vice President Sara Duterte sa Embassy of the United States of America

Courtesy visit ni Vice President Sara Duterte sa Embassy of the United States of America

BUMISITA si Vice President Inday Sara Duterte sa Embassy of the United States of America upang ipahayag ang kanyang pakikiramay kaugnay ng pagpanaw ng dating Pangulong James Earl Carter, Jr.

Sa kanyang pagbisita, nilagdaan niya ang book of condolence at nakipag-usap ng maikli ngunit makabuluhan kay US Ambassador MaryKay L. Carlson.

Ginamit din ng Pangalawang Pangulo ang pagkakataon upang magpaabot ng taos-pusong pagbati para sa nalalapit na inagurasyon nina President-elect Donald Trump at Vice President-elect JD Vance.

Binanggit din ni Ambassador Carlson ang mahalagang paggunita sa ika-80 anibersaryo ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Kinilala ni Ambassador Carlson ang matibay na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte, at ipinahayag ang kumpiyansa na patuloy na lalago ang relasyong ito sa paglipat ng pamumuno sa Estados Unidos.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the  VP Inday Sara Duterte Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter