PAPALITAN ng COVAX facility ang 3.6 million expired COVID-19 vaccine doses nang libre.
Sa taped Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na inere ngayong Miyerkules, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nakipag-usap na sila sa mga kinatawan ng COVAX at hiniling sa mga ito na palitan ang mga dinonate at biniling mga bakuna.
Ayon kay Duque, ang 3.6 million expired na bakuna ay 1.46 percent lamang ng total inventory ng bakuna sa bansa.
Ito ay mas mababa sa 10% indicative wastage rate na ginamit ng World Health Organization (WHO).
Samantala, welcome naman kay Duterte ang pagpapalit ng na-expire na COVID-19 vaccine ng COVAX.
Samantala, kinikilala na ngayon ng Pilipinas ang National COVID-19 Vaccination Certificate ng Holy See sa Vatican.
Sa press briefing, sinabi ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang proof of vaccination ng Vatican para sa arrival quarantine protocols at inter-zonal/intrazonal movement.
Kaugnay nito, inatasan ang Bureau of Quarantine (BOQ), Department of Transportation (DOTr) one-stop-shop at Bureau of Immigration (BI), na kilalanin lamang ang mga proof of vaccination na inaprubahan ng IATF.
Batay sa IATF secretariat, mayroong 77 bansa, teritoryo at hurisdiksyon na may approved national vaccination certificates hanggang sa kasalukuyan.