Cover-up sa kampanya kontra droga, pinasinungalingan ng PNP

Cover-up sa kampanya kontra droga, pinasinungalingan ng PNP

SA isang panayam sa Kampo Krame, iginiit ng Philippine National Police (PNP) na kailanman ay hindi naging ‘institutional’ at kalakaran sa kanilang hanay ang ‘cover-up’ o pagtatago ng tamang impormasyon sa kampanya kontra ilegal na droga.

Ito ang iginiit ng PNP bilang suporta sa pahayag ni DILG Sec. Jonvic Remulla sa Malacañang kahapon na sinamantala umano ng mga nakalipas na administrasyon sa PNP, ang ‘Reward System’ para hindi iulat nang maayos ang mga ikinasang drug operations nito.

Ayon kay PNP Spokesperson, PBGen. Jean Fajardo, walang sinumang Chief PNP ang papayag sa ganitong ilegal na gawain.

Sa huli, binigyang-diin ni Remulla na kanilang iimbestigahan muli ang kontrobersiyal na pagkakasabat sa 990 kilos ng shabu noong 2022 gayundin ang iba pang malalaking operasyon ng pulisya kontra droga.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble