Coverage ng NCSTP, pinalawak –Rep. Go

Coverage ng NCSTP, pinalawak –Rep. Go

MAS pinalawak na coverage ng National Citizens Service Training Program (NCSTP) ang House Bill No. 6687.

Ayon kay House Committee on Higher and Technical Education Chairperson Rep. Mark Go sa panayam ng SMNI News, sa kasalukuyan na NCSTP, isang programa lang na may kaugnayan nito ang pipiliin ng college students.

Subalit sa kakapasa na panukala sa Kamara, itong House Bill No. 6687, pagsasama-samahin na ang literacy training service, civic welfare training service at iba pang training programs sa ilalim ng citizens service training program.

Ang lahat ng mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong higher education institute ay required na kumuha nito.

Tanging ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) lang ang nananatiling optional.

Ang ikinaganda naman sakaling piliin ng mag-aaral sa isang pampublikong paaralan ang ROTC, hindi na nito kinakailangang magbayad ng tuition fee para sa naturang programa.

Follow SMNI NEWS in Twitter