UMABOT na sa 63.83% ang COVID-19 beds utilization rate sa lalawigan ng Isabela na kinaklasipika ng DOH bilang moderate risk sa COVID-19 cases.
Nabatid na mayroong 716 hospital beds mula sa pampubliko at pribadong ospital ang buong lalawigan na inilaan para sa mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa naturang bilang mayroon ng 457 beds ang kasalukuyan ng nagamit o ukopado na ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Dahil dito, nasa 264 beds na lamang ang natira na maaaring pang gamitin sa mga taong mahawaan ng naturang sakit.
Kasunod nito, hinimok ni Isabela Governor Rodito Albano at Vice Governoer Bojie Dy ang publiko na sumunod sa health and safety protocols gaya na lamang ng pagsusuot ng dobleng face mask at face shields lalong lalo na kung papasok sa mga pampublikong tanggapan, establisimyento, at iba pang matataong lugar.
Noong Agosto 13 nakapagtala ng 107 na bagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan, dahilan upang umakyat na sa 978 ang aktibong kaso ng sakit.
Base sa huling datos ng Ilagan Province Hospital (IPHO) umabot na sa 902 na ang nasawi at 27, 858 ang nakarekober mula sa sakit.