COVID-19 cases bumaba ng 10% sa nakalipas na linggo

COVID-19 cases bumaba ng 10% sa nakalipas na linggo

BUMABA ng 10 percent ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na linggo ganun din ang daily average ng kaso ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH hanggang Oktubre 2, mahigit 700 ang na-admit sa ospital dahil sa kritikal na kalagayan dulot ng COVID-19.

Sa pinakabagong case bulletin na ipinalabas ng ahensiya, nakapagtala ng 16, 017 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa mula Setyembre 26 hanggang Oktubre 2.

Ayon sa DOH, ito ay 10 percent na mas mababa noong Setyembre 19-25 kung saan 17, 891 ang naitalang kaso.

Bumababa rin ang daily average ng COVID-19 cases mula 2,556 ay bumaba ito sa 2,288 ayon sa ahensiya.

Sa latest update din ng DOH nasa 288 ang naitalang nasawi.

Sa datos, 34 deaths ay naitala o naganap noong Setyembre hanggang Oktubre 2022, tatlo noong Hulyo at noong Enero habang isa noong Hunyo at 182 noong Setyembre 2021.

Hanggang Oktubre 2 naman, nasa 753 ang na-admit sa ospital dahil sa kritikal na kondisyon.

Sa ngayon 24. 3 percent ng ICU beds ay okupado habang ang utilization rate ng mga non-ICU bed ay nasa 26.2 percent.

BASAHIN: Mga estudyanteng nagpositibo sa COVID-19, kinumpirma ng DepEd

Follow SMNI NEWS in Twitter