LUMAMPAS na sa 20 million mark ang kaso ng COVID-19 sa bansang Amerika na pinakamataas na bilang ng kaso ng virus sa buong mundo.
Lumilitaw rin ang karagdagang mga kaso ng new variant ng COVID-19 sa bahagi ng Colorado, California at sa Florida.
Tumaas din ang bilang sa death toll sa Amerika na kumitil sa buhay ng 78,000 katao simula noong Thanksgiving hanggang sa buwan ng Disyembre ng taong 2020.
Umabot naman sa kabuuang bilang na 356,344 ang mga nasawi simula nang manalasa ang pandemya nakaraang Pebrero ng 2020.
Upang humina ang death toll ng bansa ay hinikayat ni Senator Mitt Romney ang U.S. Government na isama rin sa unang mabigyan ng coronavirus vaccinations ang mga veterinarian at combat medics ng bansa.
Samantala, umabot na sa 2.8 milyon katao ang nakatanggap ng COVID-19 vaccine sa Amerika nitong Disyembre 31, malayo sa target na 20 million katao.