COVID-19 cases sa lungsod ng Maynila nasa 28,262

PUMALO na sa 28,262 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa Manila Emergency Operation Center COVID-19 monitoring, nasa 545 ang active cases sa Maynila hanggang kaninang alas 12 ng tanghali, Marso 1 matapos madagdagan ng 156 na panibagong aktibong kaso.

Pumalo naman sa 26,913 ang total na gumaling matapos makapagtala ng 106 new recoveries.Habang nananatili sa 804 ang mga nasawi sa sakit.

Ang Sampaloc, Maynila ang nangunguna sa may mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 na aabot sa 90, sa tala naman ng may pinakamataas na bilang na naka recover ay ang Tondo 1 na mayroong 4,793, at nakapagtala rin ng may mataas na kaso ng nasawi na umabot na sa 238.

Patuloy naman ang pagbibigay positibo ng alkalde na si Mayor Isko Moreno Domagoso para sa mga mamamayan sa lungsod ng Maynila ayon sa kanyang facebook post,“We will get vaccinated para mahati ko kahit paano ang inyong pangamba. Samahan ko kayo sa inyong pangamba, sasama tayo sa pangamba niyo, Let us save lives.”

Ayon sa alkalde mayroon siyang respeto, “I will respect your beliefs, your views, pero kung ako’y tatanungin niyo bilang ama niyo sa lungsod—huwag niyong ipagpabukas, huwag niyo ipagbakasali ang kaligtasan niyo. Mahalaga na makamit niyo ang proteksyon sa lalong madaling panahon.” 

Dumating naman ang Sinovac vaccines sa Manila COVID-19 vaccine storage facility ng Sta. Ana Hospital, na pinangunahan ni Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang pagtanggap nito.

SMNI NEWS