COVID-19 cases sa Metro Manila, posibleng nasa peak na – OCTA

COVID-19 cases sa Metro Manila, posibleng nasa peak na – OCTA

POSIBLENG nasa-peak na ang COVID-19 cases sa Metro Manila.

Gayunpaman, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na hindi pa ito kumpirmado at tiyak na malalaman ito sa susunod na linggo.

Ayon kay David, bumaba na kasi sa 12% ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila noong Hulyo 18 mula sa 14% noong Hulyo 15, 2022.

Nilinaw naman ni David na tanging sa Metro Manila lamang ito at hindi pa sa buong bansa dahil may iba pang rehiyon na nagsisimula pa lang ang pagtaas ng kaso.

Ang mga rehiyon aniya na nakararanas ng pagtaas ng COVID-19 cases at positivity rate ay ang CALABARZON, Central Luzon at Western Visayas maging sa mga probinsya ng Pangasinan, La Union, Cagayan at Isabela.

Sinabi ni David na hindi naman ito nakaaalarma at nais lamang nilang ipaalam sa publiko na may pagtaas ng mga kaso sa mga nasabing lugar at kailangan ng lahat na mag-ingat.

Follow SMNI NEWS in Twitter