COVID-19 cases sa Pilipinas maaaring dumami sa kalagitnaan ng Setyembre— DOH

COVID-19 cases sa Pilipinas maaaring dumami sa kalagitnaan ng Setyembre— DOH

POSIBLENG lalo pang tumaas ang COVID-19 cases sa bansa sa kalagitnaan ng Setyembre.

Sa media forum ng Department of Health (DOH), sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na linggo-linggo ng nagkakaroon ng panibagong pagtaas ng COVID-19 cases ang  bansa mula nang magsimula itong tumaas nang mabilis noong huling bahagi ng Hulyo.

Ngunit ani Vergeire bumababa ang active cases sa NCR plus kung saan  mahigit 51% ng kabuuang aktibong kaso  ay mula sa ibang probinsya.

Ang positivity rate ng bansa sa kasalukuyan ay nasa 26.3% mula sa 18.6% noong unang linggo ng Agosto.

Labing dalawang rehiyon naman sa bansa ang nasa high risk classification kabilang na ang Metro Manila, Calabarzon,
Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Northern Mindanao, Ilocos Region, Central Visayas, Davao Region, Western Visayas, Soccsksargen, and Caraga.

Habang ang mga natitirang rehiyon ay nasa moderate risk classification at  sa kabuuan, nasa high risk category pa rin ang buong bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

 

 SMNI NEWS