SUMAMPA na sa 541,560 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,345 pang kaso ng naturang sakit.
Sa datos ng DOH hanggang ngayong araw, Enero 10, pumalo na sa 92.3 percent o 499,971 ang mga gumaling sa COVID-19 sa bansa matapos 276 pang pasyente ang mga nakarekober.
Habang 2.11 percent o 11,401 na ang total ng namatay matapos itong madagdagan ng 114.
Mayroon namang 30,188 na aktibong kaso ng sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 88.2% dito ang mild, 6.1% ang asymptomatic, 2.6% ang critical, 2.5% ang severe at 0.60% ang moderate.