SUMAMPA na sa 531,699 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas hanggang ngayong araw, Pebrero 4.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,590 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Ayon sa DOH, nasa 91.8 percent na o 487,927 na ang mga gumaling sa COVID-19 sa bansa habang 2.07 percent o 10,997 ang total ng namatay.
Ito ay matapos makapagtala ang DOH ng 249 na mga pasyente na gumaling at 55 na mga bagong namatay.
Habang mayroon namang 32,775 na aktibong kaso kung saan 88.9% ang mild, 5.9% ang asymptomatic, 2.4% ang critical, 2.3% ang severe at 0.53% ang moderate.