COVID-19 CODE team, namahagi ng libreng face mask sa Rizal Province

COVID-19 CODE team, namahagi ng libreng face mask sa Rizal Province

BUMISITA ngayong araw ang Coordinated Operations to Defeat Epidemic o CODE team ng pamahalaan sa Probinsiya ng Rizal.

Ito’y upang bahagi ng kanilang COVID-19 symptom assessment sa National Capital Region.

Pinangunahan ang naturang operasyon nina Health Secretary Francisco Duque III, National Action Plan for COVID-19 Sec. Vince Dizon at iba pang miyembro ng CODE team.

Ayon sa Department of Health, prayoridad ng nasabing team na puntahan ang mga high risk areas sa buong NCR na nasa MECQ status ngayon.

“We have prioritized areas where our CODE teams will go in the next two weeks. This is like priming the system.” Maria Rosario Vergeire, Department of Health Spokesperson

Bahagi din ng regular visit ng CODE team na masiguro na may sapat na kapasidad, pasilidad at programa ang lahat ng LGU para labanan ang COVID-19.

“Sakaling walang kakayanan ang isang LGU na makabili ng mga kagamitan o magtayo ng mga pasilidad, gagawa ng paraan ang CODE team na maibigay ang pangangailangan ng mga LGU gaya ng PCR, quarantine facility at maraming pang iba.” Maria Rosario Vergeire, Department of Health Spokesperson

 

Ilan sa mga nauna nang nabisita ng CODE team na nagkaroon ng matataas na bilang ng infections:

[tie_slideshow]

[tie_slide] [/tie_slide]

[tie_slide]  [/tie_slide]

[/tie_slideshow]

Ayon pa sa DOH, kung kinakailangang mag-house to house para matiyak na ma-assess ang COVID-19 at sitwasyon ng mga lugar sa bansa na may matataas na kaso ng COVID-19 at agad na ma-isolate para maiwasan na makahawa sa komunidad.

“Pag merong strict lockdown, you have to go house to house. You have to identify all of those with symptoms, or all of those who had been exposed to a person with symptoms, or a person who was positive. Kailangan naa-isolate yan, kailangan nabibigyan ng edukasyon at impormasyon.” Maria Rosario Vergeire, Department of Health Spokesperson

 

Ang Probinsiya ng Rizal ay isa sa mga probinsiya sa National Capital Region na nasa critical areas dahil sa mataas na bilang ng COVID-19 cases sa rehiyon.

Kaugnay nito, personal na namahagi ng libreng cotton clothe face mask na 20 piraso sa bawat household sa mga komunidad ng Rizal ang mga secretaries ng CODE team.

[tie_slideshow]

[tie_slide] [/tie_slide]

[tie_slide] [/tie_slide]

[/tie_slideshow]

Kabilang sa mga ito sina NAP Sec. Vince Dizon, DILG Sec. Eduardo Año, DTI Sec. Ramon Lopez, NTF Chief Implementer Carlito Galvez Jr., TESDA Sec. Isidro Lapeña, DOLE Sec. Silvestre Bello III, DOH Sec. Francisco Duque, MMDA Gen. Manager Jojo Garcia.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.