COVID-19 confirmed cases sa San Juan City, nasa 57 na

NASA 57 na ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa San Juan City.

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, sa nasabing bilang ay 8 na ang nasawi.

Pinakamarami aniya sa mga positibong kaso ay naitala sa Greenhills na may 18 at sinundan ng West Crame na may 12 na.

Nasa 102 naman aniya ang patient under investigation (PUI) at 222 ang person under monitoring (PUM).

Habang nasa 13 ang nakahome-quarantine, 24 ang naka-admit at 12 ang nadischarged.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.