COVID-19 herd immunity sa Japan, umabot na 90%

COVID-19 herd immunity sa Japan, umabot na 90%

UMABOT na sa 90% ang COVID-19 herd immunity sa Japan.

Patuloy ang paglago sa ginagawang kapamaraan ng Japan laban sa COVID-19.

Ayon sa Tokyo Foundation of Policy Research, maayos ang takbo ng vaccination program ng pamahalaan ng bansa kaya umabot sa level ng herd immunity ang kasalukuyang pandemya ngayon.

Matagumpay rin sa herd immunity ang mga lugar sa Tokyo, Osaka at katimugang bahagi ng Okinawa sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng hawaan.

Sa datos ng pamahalaan nasa 65% ng kabuuang populasyon ng pamahalaan ng Japan ang naturukan na ng unang covid vaccine booster shot.

Samantala, noong nakaraang linggo ay patuloy sa isinasagawang booster shots ang pamahalaan bilang panlaban sa Omicron variant.

Follow SMNI NEWS in Twitter