UMABOT sa 613, 035 ang naitalang kabuuang bilang ng mga namatay noong 2020 dahil sa iba’t -ibang dahilan.
Ito ay di hamak na mas mataas kaysa sa five year average na 586, 630 mula 2015 hanggang 2019 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Kaugnay nito, inihayag ng PSA na ang COVID-19 ang isa sa pangunahing dahilan ng kamatayan noong taong 2020 sa Pilipinas kung saan umabot sa 30,140 ang bilang ng mga nasawi dahil sa virus, mas mataas sa bilang na naitala ng Department of Health (DOH) na 9,244.
Base pa rin sa PSA, noong nakaraang taon ay 20,840 ang nasawi dahil sa probable COVID-19 cases habang 9,300 ang kumpirmadong nasawi dahil sa COVID-19.
Samantala, tumaas naman mula 2,810 cases noong 2019 hanggang 4,420 noong 2020 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananakit sa sarili.
Ang intentional self-harm naman ang ika-25 rank ng dahilan ng kamatayan noong 2020.