COVID- 19 kaso na gumaling sa Quezon City aabot sa 31,465

COVID- 19 kaso na gumaling sa Quezon City aabot sa 31,465. Nasa 92% o 31,465 na ang gumaling mula sa covid-19 sa lungsod.

Ito ay mula sa 34,139 na kabuuang bilang ng nagpositibo sa coronavirus sa lungsod.

Sa datos ng Quezon City covid-19 Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) hanggang kaninang alas 8 ng umaga, 18,166 ang kumpirmadong aktibong kaso ng sakit dito.

Nasa 3 percent o 858 naman ang bilang ng mga nasawi.

Sinabi ng City Government na dumadaan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay ang datos na mula sa Department of Health (DOH) para masigurong sila ay residente ng lungsod.

Maaari din naman anilang magbago pa ang bilang ng mga kaso sa lungsod dahil na rin sa isinasagawang community-based testing.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.