COVID-19, “major threat” pa rin—WHO

COVID-19, “major threat” pa rin—WHO

NANANATILING “major threat” ang COVID-19 ayon sa World Health Organization (WHO).

Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, hindi man global health emergency ang COVID-19 hanggang ngayon subalit patuloy pa rin itong umiikot, nagbabago at pumapatay, kung kaya’t banta pa rin ito sa kalusugan.

Noong Disyembre 2023, sa datos mula sa halos 50 bansa sa Europa at sa Amerika, nasa 10-K ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19.

Patuloy na hinihikayat ng WHO ang publiko na magpabakuna, magsuot ng facemask at gawin ang iba pang precautionary measures laban sa virus.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter