COVID-19 patients na naka-isolate, hindi na makaboto sa May 9 elections – COMELEC

HINDI na papayagan makaboto ang mga positibo sa COVID-19 na naka-isolate sa kanilang mga bahay o quarantine facility sa May 9, 2022 elections.

Ito ang nilinaw ni Commission on Election (COMELEC) Commissioner George Garcia.

Habang maari namang magtungo sa polling precincts ang mga nakararanas ng sintomas ngunit walang positive result.

Kahapon nang sinabi Garcia na makaboto pa rin ang COVID-19 patient sa isolation polling precinct basta pahihintulutan ang mga itong lumabas ng kanilang isolation facilities.