COVID-19, posibleng mayroong long-term effects — DOH

POSIBLENG magkaroon ng long-term effects ang mga nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni Dr. Eric Tayag, director ng Knowledge Management and Information Technology Service ng Department of Health.

Maaring maging long term effect ng COVID-19 ay pagiging mabilis mapagod, brain fog, depression, muscle pain, ubo, at sakit ng ulo.

Ani Tayag, ang mga nakarekober na sa COVID-19 ngunit nakararanas ng ganitong kalagayan ay maaring magpakonsulta sa doktor.

SMNI NEWS