COVID-19 positive sa PCOO, umabot na sa 72 —Andanar

COVID-19 positive sa PCOO, umabot na sa 72 —Andanar

Cosmoswithlove

UMABOT na sa 72 ang nagpositibo sa COVID-19 sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ito ang kinumpirma ni PCOO Secretary Martin Andanar sa naging panayam ng SMNI News.

Ngayong linggo aniya ay nasa 32 ang nagpositibo sa National Printing Office pero ni-lockdown naman agad ito maging ang division ng PTV-4.

Woodprofit

Dagdag pa ni Andanar na makasisiguro ang publiko na makapagpapatuloy sila sa kanilang operasyon.

Samantala, may dalawa din aniyang nagpositibo sa RTVM ngunit nilinaw nitong hindi ito magiging banta sa safety ni Pangulong Duterte.

“Tripleng pag-iingat ang RTVM. Gawa na rin ng atas ng PSG. Mayroon po kaming mga tatlong teams na naka-isolate po sila. Sila lang po talaga yung nakatutok kay Presidente Duterte. So, we are all assured, kahit ano pong mangyari, mayroon pong grupo ng RTVM at presidential news desk na wala talaga silang contact sa iba.” Sec. Martin Andanar, Presidential Communications Operations Office

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.