COVID-19 positivity rate ng Pilipinas, tuluy-tuloy ang pagbaba

COVID-19 positivity rate ng Pilipinas, tuluy-tuloy ang pagbaba

TULUY-tuloy na bumababa ang COVID-19 positivity rate ng Pilipinas.

Ayon ito kay OCTA Research fellow Dr. Guido David hanggang nitong Hunyo 27.

Mula sa 8.6% nitong Hunyo 23 ay bumaba ito hanggang 7.8% ayon kay David.

Noong Hunyo 27 ay naitala namang 297 na panibagong COVID-19 infections at 63 dito ay mula sa National Capital Region (NCR).

Sa kabilang banda, sinabi ni Philippine Federation of Professionals Association Vice President 3 Dr. Benito Atienza, patuloy pa rin nilang i-momonitor ang estado ng Pilipinas kaugnay sa COVID-19.

Ito’y kahit plano nang irekomenda ni Department of Health Sec. Ted Herbosa na tanggalin na ang COVID-19 state of public health emergency.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter