COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, nasa single digit—OCTA

COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, nasa single digit—OCTA

KASUNOD ng patuloy na pagbaba ng naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba rin ang naitalang 7-day positivity rate sa Metro Manila nitong nakaraang linggo.

Sa datos ng OCTA Research na ibinahagi ni Dr. Guido David,    mula sa 11.6 porsiyento noong Hunyo 10 ay nasa single digit na lang ito na 7.3 porsiyento nitong Hunyo 17, 2023.

Maliban sa National Capital Region (NCR), bumaba rin sa 7.6 porsiyento ang positivity rate sa Bulacan habang 8.8 porsiyento sa Rizal.

Mula naman sa high level status, nasa moderate na lang ang positivity rate sa Cagayan, Oriental Mindoro, Quezon, at Tarlac.

Habang nananatili sa high level ang weekly positivity rate sa Bataan, Camarines Sur, Isabela, at Pampanga.

Karamihan naman sa mga lugar sa Luzon ay nasa moderate level.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter