COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba pa sa 2.4%

COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba pa sa 2.4%

BUMABA pa ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na isang linggo.

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba pa sa 2.4% ang positivity rate sa NCR noong Enero 21 mula sa 3.7% noong Enero 14, 2023.

Ayon pa kay David, walang probinsya sa Luzon ang may pagtaas sa positivity rate.

Bukod sa NCR, maraming probinsya rin ang nasa low positivity rate o mas mababa sa 5%.

Malaki ang ibinaba ng positivity rate sa lalawigan ng Isabela mula sa 50.2% patungong 10.7% na lang.

Follow SMNI NEWS in Twitter