COVID-19 requirement sa Malaysia, inalis na ng gobyerno– MOH

COVID-19 requirement sa Malaysia, inalis na ng gobyerno– MOH

INALIS na ng gobyerno ng bansang Malaysia ang COVID-19 requirement para sa mga manlalakbay na magnanais pumasok sa bansa.

Epektibo simula nitong Lunes Mayo 2, inalis na ng gobyerno ng Malaysia ang COVID-19 requirement para sa mga manlalakbay na aalis o darating sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Minister of Health (MHO) Khairy Jamaluddin na kabilang sa naturang anunsyo ang mga fully vaccinated na mga manlalakbay na nasa edad 18 pataas at mga nasa edad 17 pababa anuman ang vaccination status ng mga ito.

Kabilang din sa anunsyo ang mga naka-recover mula sa COVID-19 infection anim hanggang 60 araw bago ang petsa ng kanilang pag-alis, anuman ang status ng pagbabakuna.

Idinagdag niya na ang mga manlalakbay sa kategoryang iyon ay kinakailangan ding kumuha ng COVID-19 screening test sa loob ng 24 na oras pagkatapos ng pagdating gamit ang RTK antigen sa ilalim ng pangangasiwa ng isang pribadong medikal na practitioner na nakarehistro sa Malaysian Medical Council (MMC).

Samantala, sinabi ni Khairy na ang mga manlalakbay na nagpapakita ng mga sintomas sa mga international entry point ng bansa, ay kinakailangang kumuha ng RTK-antigen test.

Kasabay nito, dapat ipakita ng lahat ng manlalakbay ang kanilang “traveller’s card” sa pamamagitan ng mysejahtera app pagdating sa mga international entry point ng bansa.

Matatandaan na simula nitong Mayo 1, mas pinaluwag pa ng bansa ang mga restriksyon habang sumasailalim na ang Malaysia sa endemic phase.

Follow SMNI NEWS in Twitter