COVID-19 response ng bansa ngayon, mas maganda na – Dra. Minguita Padilla

COVID-19 response ng bansa ngayon, mas maganda na – Dra. Minguita Padilla

HATI ang opinyon ni senatorial candidate Dra. Minguita Padilla hinggil sa COVID-19 response ng bansa.

Sa one-on-one interview ni Padilla sa SMNI Exclusives kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, sinabi nito na hindi siya kontento sa naging response ng bansa sa unang bahagi ng pandemya.

Lubos pa nitong ikinalulungkot na marami sa kanilang hanay ang namatay dahil hindi lang man ipinaalam sa kanila na may community transmission na pala ang COVID-19.

Nilinaw ni Dra. Padilla na parte na talaga sa kanilang trabaho ang may nasasawi subalit ang hindi nila matanggap ay ang malaman na may korapsyon pang nangyayari sa gitna ng pandemya.

Subalit binigyang-diin ni Dra. Padilla na suportado nya ang COVID-19 response ngayon ng bansa.

Ipinanawagan din nito ang pagbabakuna laban sa virus.

Follow SMNI NEWS in Twitter