COVID-19, sanhi ng pagbaba ng life expectancy ng tao ayon sa isang pag-aaral

COVID-19, sanhi ng pagbaba ng life expectancy ng tao ayon sa isang pag-aaral

MAHIGIT tatlong taon na mula ng tumama ang COVID-19 na siyang nagdulot ng pandemya sa mundo ay nagkaroon ito ng epekto sa life expectancy sa tao.

Batay sa pag-aaral ng US-based Institute for Health Metrics and Evaluation, bumaba ng 1.6 years ang average life expectancy ng tao sa buong mundo sa unang dalawang taon ng pag-iral ng COVID-19 pandemic.

Ibig sabihin ng life expectancy ay ang bilang ng taon o years na inaasahang mabuhay ang isang indibidwal.

Sa Mexico City, Peru at Bolivia naman nakita ang sobrang pagbaba ng life expectancy.

Samantala, sa pagitan ng 2020-2021 ay nasa 15.9-M ang naitalang excess deaths dahil sa COVID-19.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble