COVID-19, seasonal virus na lang sa Thailand

COVID-19, seasonal virus na lang sa Thailand

INIHAYAG ng isang eksperto na seasonal virus na lang sa Thailand ang COVID-19.

Inihayag ni Yong Poovorawan, director ng Center of Excellence in Clinical Virology ng Chulalongkorn University na inaasahang tataas ang bilang ng impeksyon tuwing Hunyo at Setyembre maging Nobyembre at Pebrero.

Ayon kay Dr. Yong, maaaring magka-impeksyon ang isang tao gaya ng respiratory syncytial virus pero hindi gaya ng measles at iba pang sakit, ang isang indibidwal na naimpeksyon o nabakunahan ay posibleng magkaroon ng immunity sa sakit habang nabubuhay ito.

Samantala, inihayag din nito na ang herd immunity ay hindi mawawakasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa Department of Disease Control, mula Disyembre  4-10, nakapagtala ang bansa ng humigit kumulang apat na libo na bagong impeksyon ng sakit.

Follow SMNI NEWS in Twitter