COVID-19 subvariant na mino-monitor ng WHO nadagdagan na naman

COVID-19 subvariant na mino-monitor ng WHO nadagdagan na naman

MAY panibagong subvariant na mino-monitor ngayon ang World Health Organization (WHO) simula Hulyo 19.

Ito ay ang EG.5 variant na sublineage ng XBB.1.9.2 at ito ay na-flag dahil sa global prevalence nito.

Ang virus ay na-detect na sa 49 na bansa.

Samantala, sa kasalukuyang ebidensiya, walang pinagkaiba ito sa disease severity o clinical manifestations kung ikukumpara sa orihinal na Omicron subvariant.

Ayon sa DOH, limitado pa ang impormasyon pagdating sa variant at tinutukoy pa lamang ng mga researcher ang characteristic ng EG.5 variant pagdating sa transmissibility, immune evasion, at sa abilidad nito sa paglikha ng iba pang malalang sakit.

Patuloy naman ang paalala ng kagawaran sa publiko na magsuot ng proteksiyon laban sa virus gaya ng pagsusuot ng face mask, pag isolate kung may sakit at pagkakaroon ng maayos na airflow sa kanilang mga lugar.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble