COVID-19, tatanggalin na ng Thailand sa listahan ng ‘dangerous communicable disease’ sa Oktubre

COVID-19, tatanggalin na ng Thailand sa listahan ng ‘dangerous communicable disease’ sa Oktubre

HINDI na mapapabilang sa dangerous communicable disease sa Thailand ang COVID-19 simula sa buwan ng Oktubre.

Ito ang inihayag sa Royal Gazette ng pamahalaan ng Thailand kasunod ng pagbaba ng bilang ng impeksyon nito.

Ayon sa government spokesperson ng Thailand, ang bansa ay mayrooong sapat na suplay ng bakuna at karamihan sa mga mamamayan ng bansa ay nabakunahan na.

Tinanggal na rin ang COVID-19 sa listahan ng mga bawal na sakit ng mga dayuhang pumapasok sa bansa o nananatili sa Thailand.

Ang hakbang na ito ay ipapatupad sa pribado at pampublikong sektor bilang tugon sa bagong utos ng gobyerno.

Kahapon ay higit isang libong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Thailand kung saan 13 naman ang nasawi mula sa sakit.

Follow SMNI News on Twitter