COVID-19 tracking sa Japan, nakatuon na lang sa mga matatanda at madaling mahawaan ng sakit

COVID-19 tracking sa Japan, nakatuon na lang sa mga matatanda at madaling mahawaan ng sakit

NAKATUON na lang ngayon ang bansang Japan sa pag-track ng COVID-19 sa mga mamamayan nitong matatanda na at madaling mahawaan ng sakit.

Pinadali na ng pamahalaan ng Japan ang pagtatrack ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kung ikukumpara noong nakaraang taon hindi na kinakailangang magsulat ng pangalan o maging address ng isang pasyente kung magpapatest ito.

Pahayag ng pamahalaan, obligado ang lahat ng mga ospital sa bansa na magbigay ng kaukulang bilang ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Ayon naman kay Health Minister Katsunobu Kato, nagpahayag ng pangamba ang mga mamamayan sa bansa na nakatira ngayon sa mga munisipalidad dahil sa posibleng hindi ito makakasali sa mga naitatalang kaso ng sakit.

Samantala, nangako naman ang health minister ng Japan na magpapatuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga kawani nito upang matuldukan na ang hawaan ng nasabing sakit.

 

Follow SMNI News on Twitter