COVID-19 vaccination card, hindi na requirements sa pagpasok sa mga mall na nasa alert level 1 –DILG

COVID-19 vaccination card, hindi na requirements sa pagpasok sa mga mall na nasa alert level 1 –DILG

HINDI na kailangang magpresenta ng COVID-19 vaccination card sa pagpasok ng mga mall na nasa alert level 1 o mas mababa pa.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya, required lamang ang vaccination cards sa mga establisyemento sa loob ng mall na inuri bilang 3Cs o closed, crowded, and close contact spaces.

Gayunman, nilinaw ni Malaya na wala silang nakikitang mali kung may ilang malls ang inoobliga ang vaccination cards sa entrance.

Samantala, sinabi ni malaya na ilan sa mga establisyemento na maaring mag-require ng vaccination cards ay indoor personal care establishments, fitness studios, spaces for meetings, conventions and events, hotels, at indoor dine-in establishments.

Ang Metro Manila at 38 pang lugar sa bansa ay kasalukuyang nasa ilalim ng alert level 1 hanggang sa Marso 15.