COVID-19 vaccination program ng pamahalaan, ipapasa sa susunod na admin – Galvez

COVID-19 vaccination program ng pamahalaan, ipapasa sa susunod na admin – Galvez

GAGAWA ng mga dokumento kaugnay sa COVID-19 vaccination program ang pamahalaan para sa susunod na administrasyon.

Ito ay upang matiyak na maipagpatuloy ang COVID-19 response ng Duterte Administration ayon kay National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr.

Ayon sa kalihim, gagawa sila ng isang libro na magsisilbing playbook ng susunod na administrasyon, nakasaad dito ang mga ginawang hakbang ng pamahalaan.

Layon nito na matiyak ang massive vaccination program ng bansa para maprotektahan ang mga Pilipino laban sa COVID-19.

Sa katunayan, una nang nagsagawa ng extensive write shop ang pamahalaan na pinangunahan ng Department of Health (DOH), World Health Organization (WHO), Department of the Interior and Local Government (DILG), at NTF.

Follow SMNI NEWS in Twitter