COVID-19 vaccine certificate ng Rwanda at Lao PDR, tinatanggap na sa Pilipinas

COVID-19 vaccine certificate ng Rwanda at Lao PDR, tinatanggap na sa Pilipinas

KINIKILALA na ngayon ng Pilipinas ang National COVID-19 Vaccination Certificate ng Lao PDR at Rwanda.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on emerging infectious diseases ang certification mula sa dalawang bansa para magamit sa arrival quarantine protocols at inter-zonal/intrazonal movement.

Kaugnay nito, inatasan din ng IATF ang Bureau of Quarantine (BOQ), Department of Transportation (DOTr) one-stop-shop at Bureau of Immigration (BI), na kilalanin lamang ang mga proof of vaccination na inaprubahan ng IATF.

Follow SMNI News on Twitter