COVID-19 vaccine na mula sa Belgium, magiging available sa Pilipinas

TINIYAK ng Belgian Embassy sa Manila na kabilang ang Pilipinas sa mga bansa kung saan magiging available ang lahat ng COVID-19 vaccines na ginawa sa Belgium.

“Belgium is very proud to be at the epicenter of the manufacturing of vaccines during this pandemic where two vaccines are being produced – Pfizer and J&J (Johnson & Johnson) Janssen. Belgium guarantees that the COVID-19 vaccines will be available for all countries, including the Philippines,” ayon sa pahayag ng embahada.

Kasabay nito ang pag-anunsyo ng isang bagong pamamaraan sa pagkuha ng lisensya para sa pagluwas ng COVID-19 vaccines sa labas ng European Union (EU).

Sa isang note verbale noong ika-9 ng Pebrero, sinabi ng Belgian government na gagawin nito ang lahat ng paraan upang matiyak na matupad ng mga pharmaceutical company ang kontraktuwal na obligasyong makapamahagi ang mga ito ng COVID-19 vaccines sa third world countries.

Mababatid na nagpalabas ang EU ng pansamantalang restriksyon sa pagluwas ng COVID-19 vaccines mula sa kanilang bansa.

Ngunit tiniyak naman nitong magiging libre ang Pilipinas at iba  pang low-income countries mula sa nasabing restriksyon.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *